Creation Details
Panel prompts:
  1. #1Noong Enero 23, 1899, sa kasagsagan ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, isang dalagang nagngangalang Ayla ang misteryosong naglaho sa ilalim ng kakaibang liwanag ng dalawang buwan. Pagkalipas ng mahigit isang siglo, nagising siya sa taong 2026 na may mga alaalang hindi niya maipaliwanag at isang tadhanang tila naghihintay na matuklasan. Habang unti-unti niyang binubuo ang lihim ng kanyang nakaraan, nalaman niyang ang dalawang buwan ay hindi lamang simbolo ng dalawang panahon-kundi susi sa kapalarang magdurugtong sa nakaraan at kasalukuyan. Sa pagitan ng kasaysayan at mahika, isang dalaga ang muling isinilang upang tuklasin ang katotohanang matagal nang nakabaon sa panahon.
  2. #2Enero 23, 1899 Maliwanag ang kalangitan sa bayan ng Malolos. Tila nakikiisa ang araw sa kasaysayang isinusulat ng bawat mamamayan sa araw na iyon. Ang mga lansangan ay puno ng karwaheng dumaraan, mga taong nakadamit ng kanilang pinakamagagandang kasuotan, at mga watawat na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. Sa gitna ng masiglang bayan ay nakatayo ang marangyang tahanan ng pamilya De Vera—isang malaking casa na yari sa matitibay na kahoy at bato. Ang mga bintanang capiz ay kumikislap sa sikat ng araw habang ang hardin nito ay punong-puno ng mga rosas, sampaguita, at ilang halamang inangkat pa mula sa Europa. Ngayong araw ay tila may maliit na pagdiriwang sa loob ng tahanan. Naroon ang ilang kilalang pamilya ng Malolos, mga opisyal ng bayan, mangangalakal, at mga kaibigan ni Don Costavo De Vera. Sa malawak na sala mayor ay naghahalakhakan ang mga panauhin habang tumutugtog ang isang maliit na orkestra sa sulok. At sa gitna ng lahat ng iyon ay nakatayo ang isang dalagang agad nakatawag ng pansin ng lahat. Siya si Saturniña De Vera.
  3. #3Ang kaniyang balat ay tila porselana at ang kaniyang tindig ay larawan ng isang tunay na dalagang Pilipina—mahinhin, magalang, at may pusong dalisay. Subalit sa likod ng kaniyang maamong anyo ay isang matapang na kaluluwang hindi basta sumusunod sa kagustuhan ng iba. “Saturniña, hija,” tawag ni Don Costavo. Lumapit agad ang dalaga. “Opo, Padre.” Ngumiti ang matanda. “Ven aquí. Nais kong ipakilala ka sa aking mga kaibigan.” Naglakad si Saturniña kasama ang ama. Agad namang nagsitayo ang mga panauhin. “Caballeros,” ani Don Costavo. “Esta es mi única hija.”
Art Style: Classic Action
Color Mode: Full Color
Panels: 3
Created: